24Ang taong palalo at mayabang ay makikilala mo dahil nangungutya siya at sukdulan ang kayabangan.
25Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.
26Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.
27Kinasusuklaman ng Panginoon ang handog ng taong masama, lalo na kung ihahandog niya ito nang may layuning masama.
28Patitigilin sa pagsasalita ang saksing bulaan, ngunit ang saksing nagsasabi ng totoo ay pakikinggan.