2Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit sinisiyasat ng Panginoon kung ano ang nasa puso.
3Ang paggawa ng matuwid at makatarungan ay kalugod-lugod sa Panginoon kaysa sa paghahandog.
4Ang mapagmataas na mata at mayabang na puso, ang ilaw ng mga masasama ay kasalanan. Ganyan ang ugali ng mga taong makasalanan.
5Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.
6Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling mawala at maaaring humantong sa maagang kamatayan.