Mga Kawikaan 21

Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit sinisiyasat ng Panginoon kung ano ang nasa puso.

Proverbs 21:2 (UKJV) Every way of a man is right in his own eyes: but the LORD ponders the hearts.

1Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng Panginoon saan man niya naisin.

2Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit sinisiyasat ng Panginoon kung ano ang nasa puso.

3Ang paggawa ng matuwid at makatarungan ay kalugod-lugod sa Panginoon kaysa sa paghahandog.

4Ang mapagmataas na mata at mayabang na puso, ang ilaw ng mga masasama ay kasalanan. Ganyan ang ugali ng mga taong makasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.