Mga Kawikaan 22

Ang taong tamad ay laging may dahilan, sinasabi niyang baka siya ay lapain ng leon sa daan.

Proverbs 22:13 (UKJV) The slothful man says, There is a lion without, I shall be slain in the streets.

11Ang taong may malinis na puso at mahinahon magsalita ay magiging kaibigan ng hari.

12Binabantayan ng Panginoon ang mga taong may karunungan, ngunit sinisira niya ang plano ng mga taksil.

13Ang taong tamad ay laging may dahilan, sinasabi niyang baka siya ay lapain ng leon sa daan.

14Ang salita ng masamang babae ay parang malalim na hukay, at doon nahuhulog ang kinamumuhian ng Panginoon.

15Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit magiging matuwid sila kung didisiplinahin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.