Mga Kawikaan 22

Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap upang yumaman ay hahantong din sa karalitaan.

Proverbs 22:16 (UKJV) He that oppresses the poor to increase his riches, and he that gives to the rich, shall surely come to lack.

14Ang salita ng masamang babae ay parang malalim na hukay, at doon nahuhulog ang kinamumuhian ng Panginoon.

15Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit magiging matuwid sila kung didisiplinahin.

16Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap upang yumaman ay hahantong din sa karalitaan.

17Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo,

18dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.