15Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit magiging matuwid sila kung didisiplinahin.
16Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap upang yumaman ay hahantong din sa karalitaan.
17Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo,
18dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo.
19Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa Panginoon.