Mga Kawikaan 22

Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa Panginoon.

Proverbs 22:19 (UKJV) That your trust may be in the LORD, I have made known to you this day, even to you.

17Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo,

18dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo.

19Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa Panginoon.

20Ang tatlumpung kawikaang ito na isinulat ko ay magdudulot sa iyo ng mga karunungan at payo.

21Sa pamamagitan nitoʼy malalaman mo ang mga katotohanan at masasagot mo ang mga magtatanong sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.