21Sa pamamagitan nitoʼy malalaman mo ang mga katotohanan at masasagot mo ang mga magtatanong sa iyo.
22Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman,
23sapagkat ipagtatanggol sila ng Panginoon. Anuman ang gawin ninyong masama sa kanila ay gagawin din niya sa inyo.
24Huwag kang makipagkaibigan sa taong madaling magalit,
25baka mahawa ka sa kanyang pag-uugali at para ka na ring naglagay ng bitag para sa iyong sarili.