24Huwag kang makipagkaibigan sa taong madaling magalit,
25baka mahawa ka sa kanyang pag-uugali at para ka na ring naglagay ng bitag para sa iyong sarili.
26Huwag kang mangangako na magbabayad sa utang ng iba,
27dahil kapag hindi ka nakapagbayad, pati ang higaan mo ay kanilang agawin.
28Huwag mong gagalawin ang mga batong hangganan na inilagay ng mga ninuno mo noon.