Mga Kawikaan 22

Ituro sa bata ang daang dapat niyang sundan, at kahit sa kanyang pagtanda ay hindi niya ito kalilimutan.

Proverbs 22:6 (UKJV) Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it.

4Ang paggalang sa Panginoon at pagpapakumbaba ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay, kayamanan at karangalan.

5Lumalakad ang taong masama sa daang matinik at may mga patibong. Ang nag-iingat sa sarili ay umiiwas sa daang iyon.

6Ituro sa bata ang daang dapat niyang sundan, at kahit sa kanyang pagtanda ay hindi niya ito kalilimutan.

7Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman, at ang nangungutang ay alipin ng nagpapautang.

8Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan, at matitigil na ang kanyang pamiminsala sa iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.