5Lumalakad ang taong masama sa daang matinik at may mga patibong. Ang nag-iingat sa sarili ay umiiwas sa daang iyon.
6Ituro sa bata ang daang dapat niyang sundan, at kahit sa kanyang pagtanda ay hindi niya ito kalilimutan.
7Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman, at ang nangungutang ay alipin ng nagpapautang.
8Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan, at matitigil na ang kanyang pamiminsala sa iba.
9Ang nagbibigay ng pagkain sa dukha ay tiyak na pagpapalain.