Mga Kawikaan 24

Kapag sinabi mong, “Hindi namin alam ʼyan,” hindi baʼt alam ito ng Diyos na sumisiyasat sa puso? Siya ang nagbabantay sa iyong buhay, hindi ba niya nalalaman ito? Gagantimpalaan niya ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.

Proverbs 24:12 (UKJV) If you says, Behold, we knew it not; does not he that ponders the heart consider it? and he that keeps your soul, does not he know it? and shall not he render to every man according to his works?

10Kapag ikaw ay pinanghihinaan ng loob sa panahon ng kahirapan, kay liit naman ng iyong lakas!

11Sagipin mo ang mga taong patungo sa kanilang kamatayan; iligtas mo silang mga patungo sa kanilang kapahamakan.

12Kapag sinabi mong, “Hindi namin alam ʼyan,” hindi baʼt alam ito ng Diyos na sumisiyasat sa puso? Siya ang nagbabantay sa iyong buhay, hindi ba niya nalalaman ito? Gagantimpalaan niya ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.

13Anak, kumain ka ng pulot sapagkat mabuti ito sa iyo, ang pulot mula sa pulot-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.

14Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.