Mga Kawikaan 24

dahil kapag nakita ng Panginoon na ikaʼy nasisiyahan, hindi niya ito magugustuhan, at ang iyong kaaway ay hindi na niya parurusahan.

Proverbs 24:18 (UKJV) Lest the LORD see it, and it displease him, and he turn away his wrath from him.

16Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa.

17Huwag kang magdiwang kapag bumagsak ang iyong kaaway, o di kayaʼy magalak sa kanilang pagkakadapa,

18dahil kapag nakita ng Panginoon na ikaʼy nasisiyahan, hindi niya ito magugustuhan, at ang iyong kaaway ay hindi na niya parurusahan.

19Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masasama,

20sapagkat wala silang mabuting kinabukasan at magiging tulad sila ng ilaw na namatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.