Mga Kawikaan 25

Kung aawitan mo ng masasayang himig ang taong labis ang hinagpis, para mong binuhusan ng suka ang kanyang sugat, o di kayaʼy inalisan siya ng balabal sa taglamig.

Proverbs 25:20 (UKJV) As he that takes away a garment in cold weather, and as vinegar upon alkali, so is he that sings songs to an heavy heart.

18Ang taong sumasaksi sa kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.

19Ang pagtitiwala sa taong hindi mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan ay walang kuwenta tulad ng paang pilay o ngiping umuuga.

20Kung aawitan mo ng masasayang himig ang taong labis ang hinagpis, para mong binuhusan ng suka ang kanyang sugat, o di kayaʼy inalisan siya ng balabal sa taglamig.

21Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kapag nauuhaw, painumin mo.

22Kapag ginawa mo ito mahihiya siya sa iyo at ang Panginoon ang magpapala sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.