Mga Kawikaan 25

Ang taong sumasaksi sa kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.

Proverbs 25:18 (UKJV) A man that bears false witness against his neighbour is a maul, and a sword, and a sharp arrow.

16Huwag kang kakain ng labis na pulot at baka magsuka ka.

17Huwag kang dadalaw ng madalas sa iyong kapitbahay, baka magalit siya at sa iyo ay magsawa.

18Ang taong sumasaksi sa kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.

19Ang pagtitiwala sa taong hindi mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan ay walang kuwenta tulad ng paang pilay o ngiping umuuga.

20Kung aawitan mo ng masasayang himig ang taong labis ang hinagpis, para mong binuhusan ng suka ang kanyang sugat, o di kayaʼy inalisan siya ng balabal sa taglamig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.