Mga Kawikaan 26

Inuulit ng hangal ang kanyang kahangalan, tulad ng asong binabalikan ang kanyang suka upang kainin.

Proverbs 26:11 (UKJV) As a dog returns to his vomit, so a fool returns to his folly.

9Ang kawikaan sa bibig ng isang hangal ay walang silbi katulad ng tinik sa kamay ng isang lasing.

10Kahangalan ang pumana ng kahit sino; gayon din ang pagkuha sa hangal o sa sinumang dumadaan upang upahan.

11Inuulit ng hangal ang kanyang kahangalan, tulad ng asong binabalikan ang kanyang suka upang kainin.

12Mas mabuti pa ang hinaharap ng isang taong mangmang kaysa sa taong nagmamarunong.

13Ang batugan ay hindi lumalabas ng tahanan, ang kanyang dahilan ay may leon sa lansangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.