Mga Kawikaan 27

Huwag mong talikuran ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong pamilya. Kapag may sakunang nangyari, huwag kang pupunta sa bahay ng iyong kapatid; mas nakakatulong pa ang malapit na kapitbahay kaysa kapatid na nasa malayo.

Proverbs 27:10 (UKJV) Yours own friend, and your father's friend, forsake not; neither go into your brother's house in the day of your calamity: for better is a neighbour that is near than a brother far off.

8Ang taong lumayas sa kanyang bahay ay parang ibong lumayas sa kanyang pugad.

9Ang langis at pabango ay gaya ng tapat na payo ng isang kaibigan na nagdudulot ng kaligayahan.

10Huwag mong talikuran ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong pamilya. Kapag may sakunang nangyari, huwag kang pupunta sa bahay ng iyong kapatid; mas nakakatulong pa ang malapit na kapitbahay kaysa kapatid na nasa malayo.

11Anak, magpakatalino ka upang ako ay maging maligaya, at upang may maisagot ako sa nagpapahiya sa akin.

12Ang taong maalam ay umiiwas sa paparating na panganib, ngunit ang taong wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya siya ay napapahamak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.