Mga Kawikaan 27

Ang taong maalam ay umiiwas sa paparating na panganib, ngunit ang taong wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya siya ay napapahamak.

Proverbs 27:12 (UKJV) A prudent man forsees the evil, and hides himself; but the simple pass on, and are punished.

10Huwag mong talikuran ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong pamilya. Kapag may sakunang nangyari, huwag kang pupunta sa bahay ng iyong kapatid; mas nakakatulong pa ang malapit na kapitbahay kaysa kapatid na nasa malayo.

11Anak, magpakatalino ka upang ako ay maging maligaya, at upang may maisagot ako sa nagpapahiya sa akin.

12Ang taong maalam ay umiiwas sa paparating na panganib, ngunit ang taong wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya siya ay napapahamak.

13Tiyakin mong makakuha ng garantiya sa sinumang nangakong managot sa utang ng hindi mo kilala, upang matiyak mong mababayaran ka.

14Kapag may bumati nang pasigaw sa umaga, kahit na itoʼy isang pagpapala, ituturing itong sumpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.