1Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit ang matuwid ay matapang tulad ng leon.
2Kapag suwail ang isang bayan, ang kanilang pinuno ay madalas napapalitan. Ngunit kung ang pinuno ay may pang-unawa at karunungan, mananatiling matatag ang kalagayan.
3Ang taong mahirap na gumigipit sa kapwa niya mahirap ay tulad ng rumaragasang ulan na sumisira sa pananim.