Mga Kawikaan 28

Kapag suwail ang isang bayan, ang kanilang pinuno ay madalas napapalitan. Ngunit kung ang pinuno ay may pang-unawa at karunungan, mananatiling matatag ang kalagayan.

Proverbs 28:2 (UKJV) For the transgression of a land many are the princes thereof: but by a man of understanding and knowledge the state thereof shall be prolonged.

1Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit ang matuwid ay matapang tulad ng leon.

2Kapag suwail ang isang bayan, ang kanilang pinuno ay madalas napapalitan. Ngunit kung ang pinuno ay may pang-unawa at karunungan, mananatiling matatag ang kalagayan.

3Ang taong mahirap na gumigipit sa kapwa niya mahirap ay tulad ng rumaragasang ulan na sumisira sa pananim.

4Pinupuri ng masama ang mga taong lumalabag sa utos, ngunit ang sumusunod dito, kinakalaban ang masama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.