14Mapalad ang taong laging may takot sa Panginoon, ngunit mapapahamak ang taong matigas ang ulo.
15Para sa mahihirap, ang masamang pinuno, ay katulad ng mabangis na leon o nagngangalit na oso.
16Ang pinunong walang pang-unawa ay lubhang malupit. Hahaba naman ang buhay ng pinunong sa kasakiman ay galit.
17Ang taong hindi pinatatahimik ng kanyang budhi dahil sa pagpatay sa kanyang kapwa ay tatakas kahit saan hanggang sa siya ay mamatay. Huwag ninyo siyang tulungan.
18Ang namumuhay nang matuwid ay ligtas sa kapahamakan, ngunit mahuhulog sa hukay ang namumuhay sa maling pamamaraan.