12Kapag matuwid ang namumuno nagdiriwang ang mga tao, ngunit kapag ang pumalit ay masama, mga taoʼy nagtatago.
13Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Diyos.
14Mapalad ang taong laging may takot sa Panginoon, ngunit mapapahamak ang taong matigas ang ulo.
15Para sa mahihirap, ang masamang pinuno, ay katulad ng mabangis na leon o nagngangalit na oso.
16Ang pinunong walang pang-unawa ay lubhang malupit. Hahaba naman ang buhay ng pinunong sa kasakiman ay galit.