4Pinupuri ng masama ang mga taong lumalabag sa utos, ngunit ang sumusunod dito, kinakalaban ang masama.
5Hindi maintindihan ng masasama ang katarungan, ngunit lubos itong nauunawaan ng mga lumalapit sa Panginoon.
6Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa mayamang namumuhay sa kasalanan.
7Ang anak na may pang-unawa ay sumusunod sa kautusan, ngunit ang anak na sa matatakaw nakikipagkaibigan ang magulang niyaʼy binibigyan ng kahihiyan.
8Kung yumaman ka sa pamamagitan ng patubuan, ang iyong kayamanan ay mapupunta sa matulungin sa mga nangangailangan.