Mga Kawikaan 29

Ang taong matigas ang ulo kahit maraming beses pinagsasabihan ay mapapahamak nang biglaan at hindi na malulunasan.

Proverbs 29:1 (UKJV) He, that being often reproved hardens his neck, shall suddenly be destroyed, and that without remedy.

1Ang taong matigas ang ulo kahit maraming beses pinagsasabihan ay mapapahamak nang biglaan at hindi na malulunasan.

2Kapag matutuwid ang namamahala, nagdiriwang ang madla. Ngunit kapag ang nangunguna ay masama, silaʼy lumuluha.

3Ang naghahangad ng karunungan ay nagdudulot ng kasiyahan sa magulang. Ang nakikisama sa babaeng bayaran ay nagwawaldas ng kayamanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.