Mga Kawikaan 29

Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit sumumpa siyang magsasabi ng totoo, hindi pa rin niya gagawin ito.

Proverbs 29:24 (UKJV) Whoso is partner with a thief hates his own soul: he hears cursing, and betrayed it not.

22Ang taong galit ay nagsisimula ng gulo at laging nagkakasala ang mainitin ang ulo.

23Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan, ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan.

24Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit sumumpa siyang magsasabi ng totoo, hindi pa rin niya gagawin ito.

25Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa mapanganib na bitag, subalit ang nagtitiwala sa Panginoon ay magiging panatag.

26Marami ang lumalapit sa pinuno upang silaʼy mapakinggan ngunit tanging ang Panginoon lamang ang nagbibigay ng katarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.