Mga Kawikaan 29

Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa mapanganib na bitag, subalit ang nagtitiwala sa Panginoon ay magiging panatag.

Proverbs 29:25 (UKJV) The fear of man brings a snare: but whoso puts his trust in the LORD shall be safe.

23Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan, ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan.

24Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit sumumpa siyang magsasabi ng totoo, hindi pa rin niya gagawin ito.

25Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa mapanganib na bitag, subalit ang nagtitiwala sa Panginoon ay magiging panatag.

26Marami ang lumalapit sa pinuno upang silaʼy mapakinggan ngunit tanging ang Panginoon lamang ang nagbibigay ng katarungan.

27Kinasusuklaman ng matutuwid ang masasamâ, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang matutuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.