25Hindi ka dapat matakot kung biglang dumating ang mga pangyayaring nakakatakot o kung lilipulin na ang masasamâ,
26dahil makakaasa kang babantayan ka ng Panginoon at ilalayo sa kapahamakan.
27Huwag mong pagkaitan ng tulong ang mga nangangailangan nito kung may kakayanan kang tumulong sa kanila.
28Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.
29Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mong nagtitiwala sa iyo.