27Huwag mong pagkaitan ng tulong ang mga nangangailangan nito kung may kakayanan kang tumulong sa kanila.
28Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.
29Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mong nagtitiwala sa iyo.
30Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.
31Huwag mong kainggitan ang taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa.