28Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.
29Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mong nagtitiwala sa iyo.
30Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.
31Huwag mong kainggitan ang taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa.
32Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.