29Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mong nagtitiwala sa iyo.
30Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.
31Huwag mong kainggitan ang taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa.
32Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.
33Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasamâ, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.