Mga Kawikaan 3

Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasamâ, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.

Proverbs 3:33 (UKJV) The curse of the LORD is in the house of the wicked: but he blesses the habitation of the just.

31Huwag mong kainggitan ang taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa.

32Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.

33Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasamâ, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.

34Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba.

35Ang mga marunong ay pararangalan, ngunit ang mga hangal ay ilalagay sa kahihiyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.