Mga Kawikaan 30

Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.

Proverbs 30:26 (UKJV) The conies are but a feeble folk, yet make they their houses in the rocks;

24“Dito sa lupa ay may apat na nilalang, na salat sa laki ngunit pambihira ang katalinuhan:

25Ang mga langgam, kahit hindi kalakasan, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.

26Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.

27Ang mga balang, kahit walang hari, maayos na lumilipad nang sama-sama.

28Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.