9Humatol ka nang walang kinikilingan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.
10Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.
11Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya.
12Kabutihan at hindi kasamaan ang ginagawa niya sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay.
13Masigasig siyang humahabi ng mga telang lino at lana.