7upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan.
8Ipagtanggol mo ang karapatan ng mga taong kahabag-habag, na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.
9Humatol ka nang walang kinikilingan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.
10Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.
11Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya.