5Sapagkat kapag nalasing na sila, kadalasan ay nakakalimutan na nila ang kanilang tungkulin, at hindi nila nabibigyan ng katarungan ang mga nasa kagipitan.
6Hayaan mong mag-inom ang mga taong nawalan na ng pag-asa at naghihirap ang kalooban,
7upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan.
8Ipagtanggol mo ang karapatan ng mga taong kahabag-habag, na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.
9Humatol ka nang walang kinikilingan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.