15Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, at para sabihan ang mga babaeng katulong ng mga dapat nilang gawin.
16Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. At mula sa kanyang sariling ipon, pinapataniman niya ito ng ubas.
17Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa.
18Magaling siyang magnegosyo, at matiyagang nagtatrabaho hanggang gabi.
19Sa kanyang kamay ay hawak niya ang sinulid, at nakakapit sa panghabi ang kanyang mga daliri.