20Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo.
21Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo.
22Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at buhay sa sinumang makakasumpong nito.
23Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.
24Huwag kang magsalita ng kasinungalingan at walang kabuluhan.