11at hindi ninyo mamamalayang darating ang kahirapan na para kayong ninakawan ng tulisan.
12Ang taong walang kuwenta at masama ay puro kasinungalingan ang sinasabi.
13Kumikindat at sumisenyas siya gamit ang kanyang mga kamay at paa.
14Ang puso niya ay puno ng pandaraya, laging nagbabalak na gumawa ng masama at sa mga gulo siya ang nagpapasimula.
15Kaya biglang darating sa kanya ang kapahamakan at hindi na siya matutulungan.