16May anim na bagay na kinamumuhian ang Panginoon, pito na kinasusuklaman niya:
17mapagmataas na mga mata, sinungaling na dila, mga kamay na pumapatay sa mga walang sala,
18pusong nagbabalak ng masasamang pakana, mga paang sumusugod sa paggawa ng masama,
19bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.
20Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.