19bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.
20Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.
21Itanim mo ito sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan.
22Ito ang papatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa.
23Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo upang ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.