24Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
25Huwag kang magnanasa sa kanyang kagandahan. Huwag kang patutukso sa kanyang pang-aakit.
26Ang pakikipagsiping sa babaeng bayaran ay puwedeng bayaran sa halaga ng tinapay, ngunit ang pakikipagsiping sa asawa ng iba ay pagbabayaran mo ng iyong buhay.
27Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo.
28At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.