Mga Kawikaan 8

Akoʼy nasa tabi niya bilang arkitekto. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at palagi rin akong masaya sa piling niya.

Proverbs 8:30 (UKJV) Then I was by him, as one brought up with him: and I was daily his delight, rejoicing always before him;

28Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap, nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman,

29nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw, at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo.

30Akoʼy nasa tabi niya bilang arkitekto. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at palagi rin akong masaya sa piling niya.

31Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.

32“Kaya ngayon mga anak, pakinggan ninyo ako. Mapalad ang mga sumusunod sa pamamaraan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.