Mga Kawikaan 10

Nagdadagdag ng kaalaman ang taong may karunungan, ngunit ang mga hangal ay nagsasalita tungo sa kanilang kapahamakan.

Proverbs 10:14 (UKJV) Wise men lay up knowledge: but the mouth of the foolish is near destruction.

12Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.

13Nagsasalita ng karunungan ang taong may pang-unawa, ngunit ang walang pang-unawa ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan.

14Nagdadagdag ng kaalaman ang taong may karunungan, ngunit ang mga hangal ay nagsasalita tungo sa kanilang kapahamakan.

15Panatag ang mayaman dahil sa kanyang kayamanan, ngunit napapahamak ang mahirap dahil sa kanyang kahirapan.

16Ang gantimpala ng matuwid ay buhay, ngunit ang gantimpala ng masama ay kaparusahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.