Mga Kawikaan 10

Panatag ang mayaman dahil sa kanyang kayamanan, ngunit napapahamak ang mahirap dahil sa kanyang kahirapan.

Proverbs 10:15 (UKJV) The rich man's wealth is his strong city: the destruction of the poor is their poverty.

13Nagsasalita ng karunungan ang taong may pang-unawa, ngunit ang walang pang-unawa ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan.

14Nagdadagdag ng kaalaman ang taong may karunungan, ngunit ang mga hangal ay nagsasalita tungo sa kanilang kapahamakan.

15Panatag ang mayaman dahil sa kanyang kayamanan, ngunit napapahamak ang mahirap dahil sa kanyang kahirapan.

16Ang gantimpala ng matuwid ay buhay, ngunit ang gantimpala ng masama ay kaparusahan.

17Ang taong nakikinig sa pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay mapapabuti at hahaba ang buhay, ngunit ang taong hindi nakikinig ay maliligaw ng landas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.