Mga Kawikaan 12

Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo.

Proverbs 12:13 (UKJV) The wicked is snared by the transgression of his lips: but the just shall come out of trouble.

11Ang masipag magsaka sa kanyang lupain ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang gumugugol ng oras sa walang kabuluhang bagay ay salat sa karunungan.

12Kinaiinggitan ng magnanakaw ang nasamsam ng kanyang kapwa, subalit nag-uugat ang matuwid at nananatiling matatag.

13Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo.

14Ang mga salitang nagmumula sa karunungan, ay nagbubunga ng mabubuting bagay at ang pagbabanat-buto namaʼy may gantimpalang naghihintay.

15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.