12Kinaiinggitan ng magnanakaw ang nasamsam ng kanyang kapwa, subalit nag-uugat ang matuwid at nananatiling matatag.
13Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo.
14Ang mga salitang nagmumula sa karunungan, ay nagbubunga ng mabubuting bagay at ang pagbabanat-buto namaʼy may gantimpalang naghihintay.
15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.
16Ang hangal ay madaling magalit, ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.