14Ang mga salitang nagmumula sa karunungan, ay nagbubunga ng mabubuting bagay at ang pagbabanat-buto namaʼy may gantimpalang naghihintay.
15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.
16Ang hangal ay madaling magalit, ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.
17Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit ang hindi tapat na saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
18Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling.