15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.
16Ang hangal ay madaling magalit, ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.
17Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit ang hindi tapat na saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
18Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling.
19Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.