9Mas mabuti ang taong simple ngunit kayang magbayad ng katulong kaysa sa taong nagkukunwaring mayaman ngunit kahit makain ay wala naman.
10Ang taong matuwid ay mabait sa kanyang mga alagang hayop, ngunit ang taong masama ay malupit at walang awa sa kanyang mga hayop.
11Ang masipag magsaka sa kanyang lupain ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang gumugugol ng oras sa walang kabuluhang bagay ay salat sa karunungan.
12Kinaiinggitan ng magnanakaw ang nasamsam ng kanyang kapwa, subalit nag-uugat ang matuwid at nananatiling matatag.
13Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo.