Mga Kawikaan 12

Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong naghahangad ng kapayapaan.

Proverbs 12:20 (UKJV) Deceit is in the heart of them that imagine evil: but to the counsellors of peace is joy.

18Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling.

19Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.

20Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong naghahangad ng kapayapaan.

21Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit ang masasamâ, pawang kaguluhan ang mararanasan.

22Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.